Mga Post

Imahe
YARI KA, BATA! (Isang Tula tungkol sa Globalisasyon) Hayagan na’t walang makapipigil sa globalisasyon, Resulta baga nito’y kaunlaran at progreso sa bawat nasyon, Tama nga naman at pagbabago’ng sigaw ng karamihan, Mainam nga ang pagbabago; ito ba’y lubos kariktan? Yari ka, bata! Mahiya ka nga sa sarili mo! Ikaw ang may kasalanan ng pagkanulo ng angking bayan mo, Sa mga produktong internasyunal ay nagpalamon ka, ‘Nong nangyari? Dumami tuloy ang walang hiyang katulad mo! Ikaw, bata. Buksan mo ang iyong mga mata, Tingnan mo ang nangyari sa wika ng bayan, wala na! Sige lang! Ipagpatuloy mo ang pagsasalita ng wikang komersyo, Hahaha! Watak-watak na’t walang integrasyon lipunan ng mga tao. Yari ka, bata! Pagmasdan mo ang edukasyon;manggagaya ka! K-12 at pagsunod sa pamantayan ng ibang bansa, ‘yan ba ang tama? Tumaas nga ang lebel ng teknolohiya’t inobasyon sa bansa, Ang tanong-- Pilipino o Kanluranin ba ang mas maraming ginawa? Yari ka, bata! Binaboy mo’t dinun...
Imahe
Tungkulin ng mga Kabataan (Isang Talumpati) Sa lahat ng narito at sa mga kapwa ko magigiting na kabataan, MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT!      Bago ko simulan ang aking talumpati, nais ko kayong tanungin. Kagaya ko bilang isang kabataan, may kamalayan ba kayo sa inyong mga tungkulin? Kung oo, ang isang MALAKING tanong – isinasakatuparan niyo ba ang inyong mga tungkulin?      Maparito, maparoon, isa lamang ang nakikita kong opinyon ng tao tungkol sa kabataan. Isa lamang tayong malaking kasalanan. Kada isang problema, sisi sa kabataan. Pagbabago ng klima, sisi sa kabataan. Kamangmangan, sisi sa kabataan. Hanggang sa umabot na lamang sa puntong baka pati isyu sa ISIS at North Korea ay masisi pa sa kabataan.      Paminsan-minsan, nakakasawa na ang marinig sa ibang tao na nagsasabing nababalewala na ang sinambit ng ating mahal na pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan!” Sa kabila ng...