YARI KA, BATA!
(Isang Tula tungkol sa Globalisasyon)
(Isang Tula tungkol sa Globalisasyon)
Hayagan na’t walang makapipigil sa globalisasyon,
Resulta baga nito’y kaunlaran at progreso sa bawat nasyon,
Tama nga naman at pagbabago’ng sigaw ng karamihan,
Mainam nga ang pagbabago; ito ba’y lubos kariktan?
Yari ka, bata! Mahiya ka nga sa sarili mo!
Ikaw ang may kasalanan ng pagkanulo ng angking bayan mo,
Sa mga produktong internasyunal ay nagpalamon ka,
‘Nong nangyari? Dumami tuloy ang walang hiyang katulad mo!
Ikaw, bata. Buksan mo ang iyong mga mata,
Tingnan mo ang nangyari sa wika ng bayan, wala na!
Sige lang! Ipagpatuloy mo ang pagsasalita ng wikang komersyo,
Hahaha! Watak-watak na’t walang integrasyon lipunan ng mga tao.
Yari ka, bata! Pagmasdan mo ang edukasyon;manggagaya ka!
K-12 at pagsunod sa pamantayan ng ibang bansa, ‘yan ba ang tama?
Tumaas nga ang lebel ng teknolohiya’t inobasyon sa bansa,
Ang tanong-- Pilipino o Kanluranin ba ang mas maraming ginawa?
Yari ka, bata! Binaboy mo’t dinungisan ang kapaligiran,
Unti-unting nawawala, mga lupaing sakahan at kagubatan,
Mga nagtataasang pabrika, dulot ay pagkalason ng anyong tubig,
Ngayon, tila bang sa paggawa ng aksyo’y wala kang hilig.
Naku, teka lang! Akala ko ba ang tao ay nilikhang pantay-pantay,
'Nong ginawa ng globalisasyon, pinayaman nang pinayaman ang mga nasa taas,
Samantalang ang mga mahihirap, ‘di makawala sa sistema ng buhay,
Tuloy, napakalawak na ng agwat sa pagitan ng mga dukha’t mga ungas.
Bata, bata, masdan mo ang bansang Pilpinas,
Ginawang tambakan ng mga tira-tirang produkto ng ibang bansa,
Iniaasa ang pag-unlad sa pagkakaloob ng lakas-paggawa,
Tuloy, migrasyon, bilang ng OFW’s, at brain drain ay tumaas.
Tsk Tsk Tsk…Kita mo na? Yari ka talaga, bata!
Ikaw ang puno’t dulo ng lahat—ang may kasalanan,
Ano pang ginagawa mo? Kumilos ka na!
Masamang dulot ng globalisasyon, iyong labanan!

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento